Wednesday 26 August 2015

Sarah Geronimo stands by comment she is ready to get married; says The Voice Kids taught her to make own decisions

Sarah Geronimo emphasizes the essential element that The Voice Kids contestants should always bear in mind: “Iyon din ang lagi kong sinasabi sa mga artists dati, young artists natin na… makuha man nila yung title o hindi, ang pinaka-importante sa lahat ay yung growth na makukuha nila dito sa experience na ito.” Photo: Bensan Villa Ngayong weekend, August 22 and 23, mas matindi na ang labanan sa pagalingan sa pagkanta ng Top 6 ng The Voice Kids. Ang semi-finals ay gaganapin sa Resorts World, at mapapanood ito nang live sa ABS-CBN. Ayon kay Coach Sarah Geronimo, to the highest level na raw ang ginagawa niyang pagmi-mentor kina Kyle Echarri at Zephanie Dimaranan, na kanyang pinili para makasali sa Team Sarah. “Magmula no’ng blind auditions, yung experience that we had… siyempre, we took it lightly kasi mga bata sila,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media. Ito ay sa presscon para sa The Voice Kids na ginanap sa Cocoon Hotel, Sct. Tobias, Quezon City, noong Miyerkules, August 19. “Mahirap yung pagpili, na kailangang balansehin din kung sino ba yung nariringgan at nakikitaan namin ng talagang may potential. Gano’n. “At yung journey e kung gaano kahirap. And napakagagaling nilang lahat kaya sobrang hirap mamili sa mga bata.” BONDING WITH HER WARDS. May mga pagkakataon na nagkakasama nang lumabas ang mga coach at ang kanilang mga protege sa The Voice Kids. Si Sarah, pumunta sa sementeryo kasama si Zephanie para dalawin ang puntod ng lola ng huli. Kuwento ni Sarah, “Ako, kaya din naging emotional sa akin itong trabaho ko bilang coach, kasi yung attachment sa mga bata. And kung paano mo sila nakikilala, not only for the artists that they are. “Si Zephanie at si Kyle, nakilala ko yung pamilya nila, yung hirap din nila sa buhay...yung talagang pagtutulungan. "At kung paano ikinukonekta o iniaalay ng bata yung journey niya dito sa The Voice Kids sa kanyang lola who passed away. “Si Kyle naman, na first time kong makatrabaho yung ganitong klaseng artist, I’ve always wanted to work with the kind of artist that Kyle is. “Talagang ano siya, e…Dati kasi yung klase ng artist na katulad ni Kyle, nakukuha ni Coach Bamboo!” sabay tawa ni Sarah. “Of course, talagang gulat na gulat na gulat talaga ako na ako yung pinili ni Kyle. So, sobra akong excited talaga. “Yung gigil na gigil ako na ilabas yung potential ng ganitong klaseng bata—na very raw pero napaka-distinct ng boses.” sarah-geronimo-stands-by-comment-she-is-ready-to-get-married-says-the-voice-kids-taught-her-to-make-own-decisions

No comments:

Post a Comment