Friday 28 August 2015

#AlDub Fever: Alden Richards and Maine Mendoza starting to show their true feelings for each other. August 28,2015

Totohanan na ba ang nararamdaman nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isa't isa? Sina Alden at Maine o Yaya Dub ang bumubuo sa itinuturing na pinakasikat na loveteam ngayon sa bansa—ang AlDub. Sa loob ng anim na linggo mula nang magsimula ang kanilang tambalan sa KalyeSerye ng Eat Bulaga! ay napapansin ng mga manonood, at maging ng mga kasamahan nina Alden at Maine sa programa, na mukhang totoo na ang ipinapakitang ngiti at kilig ng dalawa. Sa episode ngayong hapon, August 27, ay pinansin nina Joey de Leon, Wally Bayola, at Jose Manalo ang kakaibigang kilig ni Maine kapag ipinapakita sa screen si Alden at habang nagpapalitan sila ng fan signs. Kapansin-pansin din na nilalagyan ni Maine ng kanyang tunay na pangalan ang fan signs niya para kay Alden. Pinansin naman ni Joey ang pagiging "blooming" ngayon ni Maine. Sinita rin ni Wally si Maine na hindi na nito pinapapangit masyado ang kanyang mukha tuwing nagda-Dubsmash. Sabi pa ni Wally bilang Lola Nidora kina Alden at Maine: "Oy, aktingan lang 'to! Huwag ka namang ano!" Kaya naman direktang tinanong ni Wally si Alden: "Seryoso ka ba talaga kay Maine?" Tumawa lamang noong una si Alden, na halata ring nag-blush, pero pagkatapos ay nagsulat siya ng “OPO” sa fan sign. 
Sa isang punto rin ng KalyeSerye kanina ay naka-freeze na dapat silang lahat, pero patuloy pa rin sa pagpapalitan ng fan signs sina Alden at Maine.
Kaya sabi tuloy ni Wally kay Jose: "Parang tayo na lang ang uma-acting dito!"
Muntik na ring ibuko nina Jose Manalo at Ryan Agoncillo ang mga sinasabi raw sa kanila ni Alden tungkol kay Maine/Yaya Dub kapag nagkukuwentuhan sila.
Siyempre pa, gusto rin ng halos lahat ng AlDub fans na magkatuluyan sa tunay na buhay sina Alden at Maine

No comments:

Post a Comment